7

Dec 15, 2020 @ 19:23
By

COVID-19 vaccine dapat ligtas, epektibo – Pangilinan

Ligtas at epektibo ba ang krusyal na katanungan sa pagpili ng COVID-19 vaccine sa Pilipinas, ayon kay Senador Francis Pangilinan matapos magkasundo ang Senado sa kanyang panukala na tipunin ang Committee of the Whole para talakayin ang vaccination plan ng pamahalaan.

“Gaano kaligtas at gaano kaepektibo hanggang kelan? ‘Yan ang mga gusto nating malaman tungkol sa pagpili ng bakuna laban sa COVID-19,” pahayag ni Pangilinan.

Binigyang-diin nito na mahalagang matiyak na hindi mababalutan ng katiwalian ang procurement process sa COVID-19 vaccine nang sa gayon ay magtiwala ang tao sa programang ito.

“Mahalaga rin na magtiwala ang mga babakunahan, ang taumbayan, sa proseso ng pagbili nitong mga bakuna,” ani Pangilinan.

“Importante rin na mas masinop ang paggastos natin sa pera ng bayan. Nakakalungkot na sa kabila ng pandemya, at milyon-milyon na ang nagugutom dahil nawalan ng trabaho, meron pa ring nakakaisip mangurakot,” dagdag pa nito.

Noong Lunes, naghain si Pangilinan ng Senate Resolution 594 na humihiling na magsagawa ng pagdinig ang Committee of the Whole para matalakay ang kahandaan ng gobyerno sa COVID-19 vaccination program.

Sinabi naman ni Senadora Risa Hontiveros na mahalagang simula ang pag-secure at pangalap ng pondo para sa mass vaccination.

“We can only achieve herd immunity if 60-70% of the population gets vaccinated. If the DOH and NTF foresee the process to take the next 4 to 5 years, are we financially prepared to make it happen? The threat of a hiccup in our plans might cost lives,” sabi ni Hontiveros.

“Ito ang pinakamalaking vaccination program in the history of our country. If we don’t do it right, we’ll waste billions of pesos and risk millions of lives,” sambit pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?