7

Mar 12, 2021 @ 18:00
By

COVID-19 vaccination sa Tagaytay nagsimula na

Pinangunahan ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga medical frontliner ng Tagaytay City.

“Napakahalaga nitong vaccine na ito. Ito na ‘yung hudyat para kahit papano mabawasan ang mga mamamatay at lesser ‘yung mga magiging severe cases,” anang alkalde sa isang pahayag.

Ayon sa ulat, target mabakunahan ng kanilang LGU ang 541 healthcare worker nila sa Tagaytay Medical Center at Ospital ng Tagaytay.

Ayon sa datos, 50 porsyento ng mga mamamayan ng naturang lungsod ang willing maturuakan ng COVID-19 vaccine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?