21

Apr 18, 2020 @ 11:28
By

COVID-19 testing aabot sa 10,000 kada araw – Galvez

Magsisimula na ang Pilipinas sa pag-test ng aabot sa 8,000 hanggang 10,000 para sa COVID-19 simula sa Huwebes.

Ayon ito kay Secretary Carlito Galvez, na sinaad na ang testing center ng Philippine National Red Cross na pinapangunahan ni Senador Richard Gordon ay kayang mag-test ng abot sa 10,000 na test kit kada araw.

“Gusto nating magpasalamat kay Senator Gordon sa kanilang tulong para mapalakas ang ating testing capacity,” saad ni Galvez.

“Sa pamamagitan ng testing center na ito, kaya na nating magsagawa ng 8,000 hanggang 10,000 na tests kada araw at uunahin natin ang NCR” aniya pa.

Sa ngayon ay may 17 na COVID-19 testing center ang aprubado ng Department of Health, a inaasahan na mapataas ang kapabilidad sa testing sa pagtatapos ng Abril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?