10

Apr 4, 2021 @ 10:10
By

COVID-19 survivors sa Turkey 3M na

Umakyat na sa tatlong milyong indibidwal ang gumaling mula sa COVID-19 sa Turkey.

Ayon sa COVID-19 dashboard ng JHU-CSSE, Linggo, 3,082,676 na ang nakarekober sa coronavirus disease sa nasabing bansa.

Ang Turkey ang pang-apat na may pinakamaraming virus recoveries sa buong mundo, saad pa sa dashboard.

Samantala, 3,445,052 na ang nahawa habang 32,078 na ang namatay sa Turkey dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?