6

Nov 6, 2020 @ 8:40
By

COVID-19 survivor worldwide 32M na

Tumalon na ang kabuuang dami ng mga tao sa mundo na gumaling mula sa coronavirus disease 2019 sa 32,057,939.

Ayon ito sa COVID-19 Dashboard ng Center for Systems Science and Engineering (CSSE) sa Johns Hopkins University (JHU), Biyernes ng umaga.

Nangunguna sa listahan ang India na may 7.71 milyong recovery, sinundan ng Brazil sa 5.08 milyon, at Estados Unidos sa 3.74 milyon.

Samantala, sumirit na rin sa 48,559,927 ang mga nahawa habang 1,231,245 naman na ang namatay sa daigdig dahil sa COVID-19.

Sa Pilipinas, 389,725 na ang tinamaan ng naturang sakit.

Kabilang doon ang 349,543 nakarekober at ang 7,409 ginupo ng virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?