5

Sep 17, 2020 @ 10:19

COVID-19 survivor sa mundo 20M na

RILEY CEA

Tumalon na sa 20 milyong katao sa buong daigdig ang gumaling mula sa nakahahawang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa nakalap na datos ng Johns Hopkins University ngayong Huwebes, Setyembre 17, nasa 20,202,899 na ang nakarekober mula sa COVID-19.

Una rito ang India sa 3.94 milyon, sumunod ang Brazil sa 3.84 milyon at ang Amerika sa 2.53 milyon.

Samantala, may 29,730,140 namang nahawa sa coronavirus sa planeta, habang 938,575 ang ginupo ng virus.

Sa Pilipinas naman ay may 272,934 nang kumpirmadong kaso ng coronavirus. Kabilang dito ang 60,344 active case, 207,858 gumaling at 4,732 namatay.

May 213 bansa at teritoryo, at 2 international conveyance ang apektado ng COVID-19 pandemic, ayon sa Worldometer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?