4

Sep 29, 2020 @ 8:41
By

COVID-19 survivor sa India 5M na

Limang milyong indibidwal na ang gumaling mula sa coronavirus disease 2019 sa India.

Ayon sa Johns Hopkins University, 5,016,520 na ang naka-recover doon mula sa nasabing nakahahawang sakit.

Samantala, 6,074,702 naman ang nahawa at 95,542 ang namatay.

Sa ngayon, India ang una sa pinakamaraming COVID-19 recoveries worldwide.

Pangalawa naman ito sa US sa pinakamaraming nadapuan ng sakit, at pangatlo sa US at Brazil sa pinakamaraming yumao dahil sa coronavirus sa buong mundo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?