17

Nov 25, 2020 @ 8:28
By

COVID-19 survivor sa Earth 38M na

Umakyat na sa 38 milyon ang dami ng mga indibidwal na gumaling mula sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) worldwide.

Ayon sa COVID-19 dashboard ng Center for Systems Science and Engineering ng Johns Hopkins University, Miyerkoles, ang mga kumpirmadong COVID-19 recovery sa buong mundo ay 38,107,291 na.

Samantala, 1,406,283 na ang yumao habang 59,620,502 na ang nahawa sa coronavirus.

Sa Pilipinas naman, 386,792 na ang nakarekober mula sa nasabing sakit. Pang-18 puwesto na ang bansa sa mga may pinakamaraming naitalang gumaling mula sa COVID-19 sa daigdig.

Samantala, 421,722 naman ang nagpositibo habang 8,185 namatay sa atin dahil sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: