5

Sep 24, 2020 @ 11:14

COVID-19 survivor sa Brazil 4M na

SDC

Pumalo na sa apat na milyong indibidwal ang gumaling sa nakahahawang sakit na COVID-19 sa Brazil.

Ayon pa sa nakalap na datos ng Johns Hopkins CSSE, Huwebes, may 4,046,827 nakarekober mula sa coronavirus sa naturang bansa.

4,591,364 naman ang mga nahawa habang 138,105 ang pumanaw dahil sa virus sa Brazil.

Sa ngayon, ito ang pangatlo sa may pinakamaraming COVID-19 case, at parehong pangalawa sa virus death at recovery worldwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?