65

Sep 12, 2021 @ 16:37
By

COVID-19 recoveries na nagpapatuloy ang sintomas pinababantayan

Dapat umanong tutukan ng Department of Health (DOH) ang mga pasyente na gumaling na sa COVID-19 pero nagpapatuloy na nakararanas ng mga sintomas nito.

Hinimok ni Anakalusugan Rep. Michael Defensor ang DOH na gumawa ng isang online registration system kung saan maaaring magpatala ang mga nakararanas ng “long COVID” condition.

“The DOH has to find ways to collect, investigate and then ascertain the extent of the problem of long COVID cases in the country, for the purpose of possibly recommending additional care programs for them,” sabi ni Defensor.

Ayon sa World Health Organization (WHO) mayroong mga dating pasyente, maging ang mga hindi kinailangang ipasok sa ospital, ang patuloy na nakararanas ng sintomas gaya ng fatigue, kinakapos sa paghinga, pananakit ng kasu-kasuan at kalamnan, sakit ng ulo, ubo, pananakit ng dibdib, pagkawala ng memorya at hirap sa pagtulog.

Sa pag-aaral na “Characterizing Long COVID in an International Cohort: 7 Months of Symptoms and Their Impact,” sinabi ni Defensor na mayroong mga dating may COVID-19 na hindi pa rin nakakabalik sa trabaho makalipas ang anim na buwan.

“Most had not returned to previous levels of work by six months. Many patients are not recovered by seven months and continue to experience significant symptom burden,” dagdag pa ni Defensor.

Ang pag-aaral ay ginawa ng mga doktor sa Amerika at nailathala sa The Lancet medical journal.

Sinabi ni Defensor na dapat ding tulungan ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at Employees’ Compensation Commission (ECC) ang mga pasyenteng ito.

“Our cumulative COVID caseload has already surpassed 2.2 million, of which almost 2 million have been listed as recoveries. Even if just 10 percent of the recoveries are found to be suffering from long COVID, this still translates into 200,000 Filipinos who may need further help,” punto ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?