9

Aug 17, 2020 @ 18:17
By

COVID-19 positive sa ‘Pinas tumalon sa 164,474

Patuloy pa rin ang pagdagdag ng mga panibagong kaso ng coronavirus disease sa bansa isang araw bago ang pagtatapos ng modified enhanced community quarantine sa Metro Manila at ilan pang karatig na lalawigan.

Sa anunsyo ng Department of Health nitong Lunes, umabot na sa 164,474 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos itong madagdagan pa ng 3,314 panibagong kaso.

Naitala ang mga bagong kaso sa National Capital Region (1,918), Laguna (274), Cavite (219), Rizal (118) at Bulacan (105).

Gayunpaman, 49,034 lamang sa bilang ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Samantala, bawian ng buhay ang 18 pang pasyente kaya umabot na ang COVID death toll sa Pilipinas sa 2,681.

Higit na mas marami ang gumagaling kumpara sa namamatay matapos umabot sa 112,759 ang total recoveries ng bansa sa COVID-19.

Mas marami iyon nang 237 kumpara sa naibalita ng DOH kahapon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?