111

Mar 9, 2020 @ 12:44
By

COVID-19 positive sa ‘Pinas 10 na

Sampu na ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Kahapon, Marso 8, nilabas ang resulta ng test samples ng apat na pasyente.

Sa tala ng Department of Health (DOH), nagpositibo lahat ito.

Ang pampitong kaso ay isang edad 38 na lalaking Taiwanese. Nakahalubilo niya ang isa pang Taiwanese na pumunta sa Pilipinas at nalamang nagpositibo sa COVID-19 pagbalik nito sa Taiwan.

Ang pangwalong kaso ay isang edad 32 na lalaking Pilipino na may travel history sa Japan sa nakalipas na 14 araw.

Ang pangsiyam, isang edad 86 na lalaking Amerikano na dati nang may hypertension at may travel history sa Amerika at South Korea.

Ang pangsampu, isang edad 57 na lalaking Pinoy na walang travel history sa labas ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?