119

Mar 9, 2020 @ 19:24
By

COVID-19 patient sa South Korea, nag-donate ng dugo bago na-test na positibo

Nakiisa sa blood donation ang isang South Korean public servant, mahigit isang linggo bago siya nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19).

Lumabas ang sintomas ng virus sa pasyenteng mula sa Daegu matapos niyang mag-donate ng dugo noong Pebrero 13, ayon sa Global Times.

Na-diagnose siyang may virus noong Pebrero 23.

Iniulat naman ng KBS broadcaster na anim na katao ang nag-donate rin ng dugo bago nagpositibo sa virus.

Ini-recall na ang mga donasyong dugo pero kalahati nito ay naisalin sa siyam na pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?