60

Mar 18, 2020 @ 12:01
By

COVID-19 patient sa Pilipinas, sumampa na sa 193

Umakyat sa 193 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus sa bansa nitong Miyerkoles.

Ayon sa Department of Health, anim ang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, isang araw matapos ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Samantala, naitala naman ng DOH na may tatlong bagong gumaling sa nasabing virus.

Ibig sabihin, nasa pito na ang kabuuang gumaling sa coronavirus sa Pilipinas.

Nilinaw naman ni Health Assistant Maria Rosario Vergeire na wala pang kumpirmadong pag-aaral kung nalilipat via airborne o hangin ang coronavirus.

Nanatili na tanging sa respiratory droplet lang o kapag nakalapit sa taong may COVID-19 na mahawaan ng nasabing virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?