507

Feb 29, 2020 @ 16:05
By

COVID-19 palusot lang! Endo tunay na dahilan sa pagsibak sa 300 PAL employee – labor group

Kinwustiyon ng labor group na Defend Jobs Philippines ang pagtanggal sa nasa 300 empleyado ng Philippine Airlines nitong Sabado.

Unang sinabi ng PAL na sila’y magbabawas ng empleyado dahil sa lugi noing 2019, dagdag pa ang mga nawalang kita dahil sa pagkansela ng flight dulot ng coronavirus.

“The streamlining will strengthen the company in the wake of losses sustained in 2019, aggravated by the ongoing travel restrictions and flight suspensions to areas affected by COVID-19,” ayon sa pahayag ng airline.

Ngunit kinontra ito ng Defend Jobs PH, hindi umano dapat paniwalaan ang alibi ng PAL at nirason ang pagiging gahaman umano ng kompanya ni Lucio Tan kaya’t aalisin ang 300 nilang personnel.

“We condemn this utmost grand display of deception of the PAL management just to justify this new round of massive termination of its workers. We suggest for PAL admin to try harder next time in making incredible alibis and justifications just to cover-up its anti-labor actions,” ayon kay Defend Jobs Philippines spokesperson Thadeus Ifurung.

Saad pa, puno umano ng end of contract scheme at nais din umano ng PAL na pahinain ang unyon kaya’t nagtanggal ng mga empleyado.

“Endo-virus and union busting-virus — and not coronavirus — are the real reasons behind the massive termination of workers in PAL over the past decades,” saad pa ni Ifurung.

“Unlike with COVID, there is no vaccine that can cure corporate greed and the phobia of this airline company of losing profit.”

Nanawagan ang labor group kay Labor Secretary Silvesyre Bello III at administrasyon ni Panguling Rodrigo Duterte para masolusyunan ang mga mawawalan ng trabaho dahil sa sunod-sunod na layoff na nangyayari sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?