7

Oct 17, 2020 @ 22:08
By

COVID-19 naitala sa tirahan ni Pope Francis

Isang lalaking naninirahan sa parehong Vatican residence ni Pope Francis ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa ulat ng Channel News Asia, nasa isolation na ang lalaki na hindi pinangalanan.

Wala siyang anumang sintomas ng sakit at umalis na sa Santa Marta residence.

Nakahiwalay siya kasama ang mga nakasalamuha niya o close contact.

Samantala, regular na tini-test para sa COVID-19 ang Santo Papa.

Magugunitang noong nakaraang linggo, apat na miyembro ng Swiss Guard na nagbabantay kay Pope Francis ang na-test na positibo sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?