27

Sep 17, 2020 @ 15:24
By

COVID-19 likha ng laboratoryo sa China – Chinese scientist

Binunyag ng isang Chinese virologist na nagmula ang coronavirus disease sa isang government-controlled laboratory sa Wuhan, China.

Magugunitang sa Wuhan nagsimula ang COVID-19 outbreak.

Sa isang ekslusibong panayam kay scientist Dr. Li-Meng Yan sa ”Loose Women”, isang British talk show, sinabi niyang itinalaga siya para imbestigahan ang “new pneumonia” sa Wuhan.

Nadiskubre niya sa ginawang pag-iimbestiga ang nangyaring cover-up operation sa coronavirus, ayon sa ulat ng NDTV.

Aniya, nagsagawa siya ng dalawang pananaliksik sa bagong pneumonia sa China.

Una ay sa pagitan ng December 2019 at sa unang bahagi ng January 2020. Sumunod ay sa kalagitnaan ng January 2020 bago siya nagtungo sa Amerika mula sa Hong Kong.

Si Li-Meng ay espesyalista sa virology at immunology sa Hong Kong School of Public Health.

Ini-report niya raw ang kanyang nalaman sa kanyang supervisor, na isang consultant sa World Health Organization (WHO) pero dedma ang kanyang supervisor pati na rin ang WHO at sa halip ay pinagbantaan pa siya.

“I decided to report this development to my supervisor, who is also a World Health Organisation (WHO) consultant. There was no response from the WHO and my supervisor. Everyone warned me that do not cross the right line and keep silence or else I would be made to disappear,” aniya.

Dagdag niya, ang Chinese Communist Party ang siyang nagtatakip sa COVID-19 crisis at mayroong human-to-human transmission ng virus.

Isa raw “high-mutant virus” ang COVID-19 at hindi nanggaling sa kalikasan kundi mula sa isang laboratoryo na kontrolado ng Chinese government sa Wuhan.

“This is based on the China Military Institute that discovered and owned some bad coronavirus named CC45 and ZXC41. Based on that, after lab modification becomes a novel virus,” giit niya.

Magugunitang maraming bansa, kabilang na ang US, ang bumatikos sa ginagawang pagtatakip ng China at WHO tungkol sa kalubhaan ng coronavirus outbreak.

Ani Dr. Li-Meng, may mga ebidensiya siya na magpapatunay dito galing sa Chinese Center for Disease Control and Prevention, mga local doctor at ilang tao sa China.

“These are the truths and all other things were covered up,” wika niya.

Natatakot man daw siya sa kanyang kaligtasan dahil sa ginawa niyang rebelasyon ay kailangan niyang sabihin ang mga ito sa mundo dahil isa siyang doktor na may sinumpaang tungkulin sa madla.

“It was very scary at that time. But I had to do it because I am a doctor and I cannot see it happen. If I do not tell the truth to the world, I will be regretful. So, this foundation which is based in New York, helped me to secretly leave Hong Kong. They help people who are against the Chinese government,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?