6

Nov 7, 2020 @ 20:24
By

COVID-19 kumalat sa mga mink farm

Kabilang ang Denmark at Amerika sa anim na bansa na nag-report ng kaso ng coronavirus sa mga mink farm, ayon sa World Health Organization (WHO).

Nadiskubre rin ng Italy, Netherlands, Spain at Sweden ang COVID-19 sa mga mink, ayon sa ulat sa website na RTE.

Nagpatupad na ng lockdown ang North Denmark matapos ang babala ng mutation ng virus mula sa mga mink patungo sa mga tao, nang ma-infect ang 12 katao.

Nakatakda namang katayin sa Copenhagen ang 15 hanggang 17 milyong mink.

Samantala, ipinagbawal na ng Britain ang pagpapapasok sa mga taga-Denmark matapos madiskubre sa huli ang virus mutation sa mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?