16

Apr 3, 2020 @ 12:17
By

COVID-19 cases lolobo sa pagdami ng testing kits

Pinaniniwalaang sa dami ng supply ngayon ng testing kits ay siya ang pagdami ng bilang ng kaso ng COVID dahil madi-detect na ang mga may taglay nito.

“Ang una nating tinitignan is of course, yung factor po ng pagkakaroon ng mataas na antas ng pag te-test natin. Yung kapasidad natin ay nakapag-extend tayo ng capacity.”

Bukod kasi sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM, nadagdagan pa ito ng pitong laboratories upang mapabilis ang pagtukoy ng mga positibo sa nasabing sakit.

“Dati ang nag te-test lang is yung RITM. Ngayon po, dumadami na tayo, may walo na tayong laboratory na gumagana kasama ang RITM para makapagtest,” aniya.

“Nagkaroon din tayo ng enough supply ng ating testing kits kaya mas napapadali na makapagpa-test tayo.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?