32

Apr 24, 2020 @ 15:31
By

COVID-19 case sa Turkey tumalon sa 101,790

Pumalo na sa 101,790 ang positibo ng coronavirus sa Turkey.

Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang bansa ng panibagong 115 COVID-19 death at 3,116 na bagong kaso, sabi sa ulat ng New Straits Times.

Dahil dito, sampa sa 2,491 ang death toll sa Turkey.

Ayon naman sa Turkish Medical Association, na kumakatawan sa 80 porsiyento ng mga doktor sa Turkey, halos 3,500 na health worker ang infected na habang 24 ang namatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?