2

Aug 5, 2020 @ 18:29
By

COVID-19 case sa ‘Pinas, namaga sa halos 116K

Pumalo na sa 115,980 ang kabuuang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 sa Pilipinas matapos makapagtala pa ng panibagong 3,462 kumpirmadong kaso nitong Miyerkoles.

Batay sa case bulletin No. 144 ng DOH, 47,587 na ang total active cases, karamihan ay “mild”.

Sa bagong naiulat na 3,462 na kaso, 2,083 o 71% ay mula sa NCR, 299 sa Region 4A at 96 sa Region 3.

Samantala, sa siyam na nadagdag sa death toll na 2,123, apat ay mula sa NCR, apat sa Region 7 at isa sa Region 11.

May nakarekober namang 222 na nagpaakyat sa total recoveries sa 66,270.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?