33

Oct 1, 2020 @ 18:01
By

COVID-19 case sa Batangas, palapit na sa 7K

Puspusan na ang ginagawang COVID-19 testing sa Batangas dahil aabot na sa 7,000 ang kabuuang tinamaan ng virus sa lalawigan.

Ayon kay Dr. Rosvilinda Ozaeta, ng Batangas Provincial Health Office, sa panayam sa radyo, inaasahang makakapagsagawa ang probinsya ng nasa 1,000 test kada araw.

Sa ngayon, 6,907 coronavirus case na ang naitala sa probinsya, kabilang ang 172 namatay at 3,835 nakarekober.

Nasa 2,900 pasyente ang ginagamot sa kasalukuyan, na karamihan ay may mild symptoms.

Inamin ng health officer na hindi pa napapahusay ang kanilang contact tracing, na susi sa paghinto sa pagkalat ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?