104

Feb 22, 2020 @ 11:04
By

Cousins tinapon ng Lakers para kay Morris

Tila wala nang kinang ang four-time NBA All-Star na si DeMarcus Cousins.

Sa ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, papakawalan ng Los Angeles Lakers si Cousins para magkaroon ng bukas na roster spot.

Ang babakantehing spot ni Cousins ay ibibigay kay Markieff Morris, na pinakawalan naman ng Detroit Pistons.

Ngayong season lang sumali si Cousins sa Lakers matapos ang kanyang stint sa Golden State Warriors.

Walang nilaro si Cousins sa Lakers, na nagpapagaling pa sa kanyang torn ACL injury.

Magiging welcome addition naman si Morris para sa Lakers, na nag-average ng 11 points sa 39.7 percent clip mula sa three-point area.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?