39

Jun 9, 2020 @ 12:53
By

Cousins susungkitin ng Miami

Matapos bitawan ng Los Angeles Lakers, posibleng ang dating koponan ni LeBron James ang kumuha sa serbisyo ng All-Star center na si DeMarcus Cousins.

Ayon kay Ira Winderman ng Sun Sentinel, sa pagbabalik ng season ay may tsansa na kunin ng Miami Heat si Cousins para mapaigting ang kanilang frontline pagpasok ng playoffs.

Saad sa Sun Sentinel, nagkaroon pa ng espasyo sa kanilang cap space ang Miami Heat matapos pakawalan sina Justise Winslow, James Johnson at Dion Waiters, at pasok na pasok umano rito si Cousins.

Ngunit isang problema na kailangang harapin ng koponan ay ang pagtatanggal ng player kung itutuloy ang pagkuha kay Cousins, posibleng pakawalan sina Solomon Hill, Chris Silva, maging ang veteran forward na si Udonis Haslem.

Sa nasuspindeng season ay hindi nakasalang si Cousins, na napuruhan ang ACL sa offseason. Noong 2018-19 season huling naglaro si Cousins na nag-average ng 16.3 points, 8.2 rebounds at 3.6 assists kada laro para sa Golden State Warriors ngunit bigong makuha ang kampeonato matapos payukuin ng Toronto Raptors.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?