17

Dec 3, 2020 @ 15:14
By

Cousins natuwa! Westbrook tinapon ng Houston, Wall sinungkit

Dalawang star point guard ang mag-aalsa-balutan sa kanilang koponan matapos na magkasundo ang Washington Wizards at Houston Rockets sa isang trade.

Pinamigay ng Rockets si 2018 NBA MVP Russell Westbrook kapalit si John Wall, kasama pa ang 2023 first round pick.

Muling makakasama ni Westbrook si Wizards coach Scott Brooks, na dating nag-tandem para sa Oklahoma City Thunder.

Habang si Wall naman ay magiging kakampi sa unang pagkakataon si James Harden, na matatandaang nasa gitna din ng mga trade rumor.

Samantala, nagalak naman si DeMarcus Cousins na bago din sa Rockets, lalo’t naging kakampi niya dati sa collegiate team ng Kentucky si Wall.

Muling babalik sa aksyon si Wall na hindi nakapaglaro sa NBA simula pa noong 2018 matapos ma-injure ang kanyang Achilles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?