443
rape1
By

Court employee na nang-rape ng 14-anyos, sibak sa trabaho

Tinanggal ng Korte Suprema ang isang empleyado sa korte dahil sa gross misconduct matapos niyang gahasain ang isang 14-taong gulang na babae sa loob ng Hall of Justice noong 2007.

Kinilala ang suspek bilang si Edgardo Salazar, isang construction at maintenance general foreman.

Tinanggalan naman ng nakakataas na korte ng pagkakataong mabigyan ng retirement benefits at pinagbawalang makapagtrabaho sa gobyerno si Salazar.

Ayon sa biktima, nagkakilala sila ng suspek matapos magkatext ang dalawa gamit ang cellphone ng kanyang pinsan.

Matapos nito ay nagsabi si Salazar na gusto niya ang biktima at inaya niya itong maging ‘second wife’, kung saan tinanggihan naman ito ng biktima at sinabing, hindi niya dapat ito sabihin dahil hindi pa sila gaanong magkakilala.

Noong ika-1 ng Setyembre 2007, sinamahan siya ng dalawa niyang pinsan sa HOJ para makipagkilala sa katext niyang magbibigay di umano ng cellphone.

Nang nagkita sila, binigyan ni Salazar ng pera ang mga pinsan ng biktima para bumili ng pagkain.

Dinala ni Salazar ang bata sa kaniyang opisina at doon na nga nangyari ang krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?