30

By

Court Ad Marquez, 7 iba pa, gigisahin ng JBC para maging SC Associate Justice

Sharing is caring!

Sasalang sa public interview ng Judicial and Bar Council (JBC) sa September 26, 2018 ang walo sa 13 mga kandidato para sa pagiging Associate Justice ng Korte Suprema.

Ang posisyon ay nabakante nang mahirang si Ombudsman Samuel Martires sa anti-graft body bilang kapalit ni dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales na nagretiro noong July 26 ngayong taon.

Ayon kay Supreme Court Clerk of Court at JBC Ex Officio Secretary Edgar Aricheta, gagawin ang public interview sa Division Hearing Room ng Korte Suprema.

Kasama sa mga sasalang sa public interview sina Court Administrator Jose Midas Marquez at pitong mahistado ng Court of Appeals (CA).

Sa umaga, nakatakdang isalang sa panayam sina Marquez at CA Associate Justices Apolinario Bruselas Jr., Rosemari Carandang, at Stephen Cruz.

Sa hapon naman nakatakda ang public interview kina CA Associate Justices Edgardo Delos Santos, Japar Dimaampao, Ramon Paul Hernando, at Mario Lopez.

Ang limang iba pang kandidato para sa posisyon na hindi na kailangang sumailalim sa public interview dahil nananatili pang may bisa ang huling panayam sa kanila ay sina CA Justices Oscar Badelles, Manuel Barrios, Ramon Garcia, Amy Lazaro-Javier at Davao RTC Judge Virginia Tejano-Ang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?