15

By

Couples for Christ umapela sa Kongreso na ibasura ang divorce bill

Nanawagan ang isang religous group sa mga mambabatas na huwag palusutin ang divorce bill.

Sa isang statement, umapela ang Couples for Christ (CFC) sa mga mambabatas na manindigan para sa pagiging sagrado ng kasal sa harap ng isinusulong na divorce bill na umano’y banta sa matibay na samahan ng isang pamilya.

“You are in all-important position to preserve or destroy the sanctity of our marriages,” saad ng CFC sa statement.

Iginiit ng grupo, ang kailangan ng bansa ay hindi panukala na nagpapawalang-bisa sa pagsasama ng mag-asawa kundi mga panukala na magpapatibay at magbibigay ng proteksyon sa buhay-pamilya.

“What we need from society and the State right now is support to enable couples to have a fighting chance to save marriages that are not in their healthiest state,” dagdag ng lay group.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng bansa, naaprubahan sa committee level sa Kamara ang divorce bill na nakatakda nang isalang sa deliberasyon ng plenaryo.

Bukod sa Vatican, ang Pilipinas na lamang ang bansa sa mundo na walang diborsyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?