21
horse11
Apr 25, 2018 @ 18:59
By

Coupled runners vs Heat Resistant

Nabitin nitong nakaraan niyang takbo itong si Heat Resistant na papatungan ulit ni Jessie B. Guce. Pero ngayon ay mapapalaban naman siya sa coupled runners dito sa unang karera.

Magiging mahigpit niyang kalaban ang magkakampi na sina This Time na sasakyan ni Mark A. Alvarez at Biseng Bise na gagabayan ni R.C. Tabor at ang dalawang kabayo ay parehong lahok ni Macario E. Asistio III.

Kung hindi na magiging mainit ang panahon ay baka bumanat rin itong si Can’t Rule Out, isang USA imported runner na pag-aari ni D.I. Salazar at ipina-eensayo ni Anthony L. Francisco.

Kabilang rin sa mga kakasa ay itong si Super Spicy na igigiya ni Conran P. Henson at Spring Singer na si J.L. Paano ang siyang hinete.

Ang iba pang mga kasali ay sina Storm Apo ni R.M. Ubaldo, Lucky Hussler ni R.G. Fernandez at Words Of Wisdom ni K.E. Malapira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?