25

Sep 11, 2021 @ 21:53
By

Couple na tulak ng shabu, himas-rehas

Arestado sa isang buy-bust operation noong Sabado sa Tagbilaran City, Bohol ang maglive-in partner na nahulihan ng hinihinalang shabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Cyril Jon Pamaong, 25, at Charesma Peñaranda, 21.

Nakuha mula sa dalawa ang 23 pakete ng shabu na may kabuuang timbang na 150 gramo at halagang tinatayang aabot sa P1,020,000.

Ayon sa awtoridad, si Pamaong ay nasa ‘target list’ ng PDEA at ng pulisya.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Rep. Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?