12

Dec 13, 2020 @ 13:05
By

Country music icon Charley Pride dedo na

Sumakabilang-buhay na ang unang Black superstar ng country music, at ang unang Black na kasapi ng Country Music Hall of Fame na si Charley Pride.

Sa kanyang website, sinabing pumanaw si Pride kahapon, Disyembre 12, sa Dallas, Texas dahil sa kumplikasyon mula sa COVID-19.

Siya ay edad 86.

Kilala si Pride sa kanyang mga kantang “Kiss An Angel Good Mornin’,” “Is Anybody Goin’ to San Antone,” at “Mountain of Love.”

Nakamit niya ang Entertainer of the Year award (1971), top male vocalist prize (1971 at 1972), at Lifetime Achievement Award (2020) ng Country Music Association.

Huli siyang nagtanghal noong Nobyembre 11, 2020, nang kantahin niya at ni Jimmie Allen ang “Kiss An Angel Good Mornin’” sa CMA Awards show.

Iniwan ni Pride ang kanyang misis na si Ebby Rozene Cohran; mga anak na sina Carlton Kraig, Charles Dion, at Angela Rozene; limang apo, at dalawang apo sa tuhod.

“In lieu of flowers, the family asks for donations to The Pride Scholarship at Jesuit College Preparatory School, St. Philips School and Community Center, The Food Bank, or the charity of your choice,” ayon pa sa website ng country music legend.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?