31

By

Counter intelligence dapat mapaigting sa Customs – Lapeña

May payo si outgoing Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña sa bagong opisyal na papalit sa kanya sa pwesto sa kawanihan na si dating Armed Forces Chief Rey Leonardo Guerrero.

Ayon kay Lapeña, mahalagang mapaigting ang ‘counter intelligence measure’ sa BOC dahil may ilang mga kawani sa kawanihan ang sangkot sa mga iligal na gawain at humaharang sa pagpapatupad ng reporma.

Nagkita sina Lapeña at Guerrero para talakayin ang paglilipat ng tungkulin o turnover ng responsibilidad sa Martes.

Si Lapeña ay lilipat na sa kanyang bagong tanggapan para pamunuan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kasama rin umano sa mga nabangit ni Lapeña ay ang mas mahusay na revenue collection ng Customs.

Matatandaan na si Lapeña ay iniutos ni Duterte na malipat ng tanggapan kasunod ng bangayan nila ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino sa isyu ng mga magnetic lifter na nadiskubre sa Cavite na pinaniniwalaang pinagsidlan din ng iligal na droga.

Sinasabi kasi na napalusutan ang BOC kaya nakapuslit ang mga magnetic lifter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?