234

Cotabato inuga ulit ng magnitude 6.5 na lindol

Dalawang araw matapos ang magnitude 6.6 na lindol, niyanig na naman ang bayan ng Tulunan, Cotabato ng magnitude 6.5 na lindol ngayong Huwebes.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ito 33 kilomtetrong silangan ng Tulunan, alas-9:11 ng umaga, Oktubre 31, 2019.

Naramdaman ang Intensity VII sa Tulunan, Cotabato; Kidapawan City; Bansalan, Davao del Sur.
Ramdam naman ang Intensity VI sa Matanao, Davao Del Sur.

Samantala, Intensity V sa Malungon, Sarangani.

Intensity IV naman sa Kiamba at Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Koronadal City; at General Santos City.

Ramdam naman ang Intensity III sa Gingoog City at Cagayan De Oro City.

Una nang nagbabala ang Phivolcs na makararamdam ng malakas na pagyanig ang Cotabato matapos ang naunang lindol na nag-iwan ng anim na nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?