140

Cotabato inuga ng magnitude 6.6 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang bayan ng Tulunan sa Cotabato, Martes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang episentro ng lindol na may layong 26 kilomtero at may lalim na walong kilometro sa bayan ng Tulunan, Cotabato, alas-9:04 ng umaga, Oktubre 29, 2019.

Inuga naman ng Intensity VII ang ilang bahagi ng Tulunan at Makilala, Cotabato; Kidapawan City; Malungon, Sarangani.

Nasa Intensity VI sa Davao City; Koronadal City; Cagayan de Oro City habang Intensity V sa Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato; Alabel, Sarangani

Intensity IV naman ang naranasan sa General Santos City; Kalilangan, Bukidnon habang nasa Intensity III ang Sergio Osmeña Sr., Zamboanga del Norte; Zamboanga City; Dipolog City; Molave, Zamboanga del Norte; Talakag, Bukidnon at niyanig din ng Intensity I ang Camiguin.

Inaasahan ang aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig, kung saan mas malakas pa ito kumpara sa magnitude 6.3 na lindol na tumama sa Tulunan kamakailan na nagdulot ng matinding pinsala at ikinasawi ng tatlo katao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?