61

May 14, 2021 @ 11:42
By

Costume ni Rabiya out sa Top 6 ni Catriona

Hindi napasama sa Top 6 ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang performance ni Rabiya Mateo para sa national costume ng Miss Universe 2020.

Sa tweet ni Catriona, namumuro para sa kanya sina Indonesia, Nepal, Peru, Thailand, Ukraine at Vietnam.

May ilang nagpatama kay Catriona sa hindi pagpili sa costume ni Rabiya, ngunit marami din ang nagtanggol sa beauty queen.

“Siguradong andami niyong DADA sa opinion ni Miss Catriona kasi wala ang PH. Pero sa totoo Lang HINDI KO DIN NAKITAAN NG X FACTOR yung costume!” react ni @DHAReality.

“Dyusko marami na naman magagalit kasi di nya nabanggit ang Philippines. Respect her opinion guys. Saka may prelims pa naman sa Sabado,” sey naman ni @levy_wong.

“Jusko daming toxic dito. As if naman scored or part of the judging system ang National Costume! Hindi po part sa criteria for judging ang Nat.Cos. Mahiya kayo kay Catriona at sa opinion niya!” ayon naman kay @AnotherUAAPFan.

Sa Miss Universe national costume event, binida ni Rabiya ang Philippine-flag inspired dress, kung saan ayon sa mga netizen ay nagmukhang Victoria’s Secret model ang pambato ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?