34
Petron PH Series
By

Coseteng, Baisa, Bustamante haharurot sa Petron PH Series

Magbabalik na ang mga hari at reyna ng speedway sa pagsisimula ng 2019 Petron Blaze 100 X30 Challenger Philippine Series sa Clark International Speedway kart track sa Clark Field, Pampanga sa weekend.

Inaasahang haharurot muli si International at defending X30 senior champion Eduardo “EJ” Coseteng at reigning master division titlist Anthony Baisa, Jr.

Dagdag pa rito, inaasahan rin na magbibida si Bianca Bustamante na nagreyna sa junior class na hinakot ang lahat ng titulo noong nakaraang season.

Siyam na dibisyon ang paglalaban-labanan ng mga kart driver para sa annual series ng kart racing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?