73
Marinera hahambalos nina Permentilla, Viray
By

Cortez: Walang respeto ang pamimirata ng player

Hindi lang sa UAAP nagkaka-piratahan ng mga player, sa PVL din.

Tulad ng mga lumabas na balita tungkol sa umano’y pamimirata kay UST rookie Rhenz Abando, may lumabas rin na balitang pamimirata ng player sa Premier Volleyball League.

Ayon kay BaliPure team manager at dating PBA player Gil Cortez, tila pinipirata ang kanilang manlalaro ng isang rival team sa kalagitnaan ng season.

“It is disappointing,” ani Cortez sa panayam ng isang online sports site. “This shows a lack of respect.”

“This isn’t the first time our team has experienced something like this. During our run to the Reinforced Championship several years ago, one of our players, Risa Sato, was being lured away by the assistant of another team. We complained about this to the league, but they did not do anything. And now this has happened again.”

“We have no problems if other teams are trying to recruit our players. There is a process to this. They must respect it or else naglolokohan lang tayo rito. We want the league to act on this because it is not only for our protection, but also every other team in the league,” dagdag pa niya.

Kasalukuyang hawak ng BaliPure Purest Water Defenders ang ika-8th spot na may 4-12 kartada sa loob ng 2 round ng elims.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?