14

Jan 15, 2021 @ 9:06
By

Corruption task force tinitingnan 144 reklamo

May 144 reklamo nang natanggap ang task force na inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte upang imbestigahan ang katiwalian sa gobyerno.

Karamihan sa mga reklamo ay may kinalaman sa public works projects, sabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na namumuno sa task force.

As of January 11 aniya ay natapos na nilang suriin ang 60 sa mga reklamo.

Nasa fact-finding at verification stages daw sila sa mga alegasyon sa reklamo. Dagdag ng kalihim, ang ilan sa mga reklamo ay posibleng politically-motivated.

Ang task force against corruption din ang papalit sa imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission sa korapsiyon sa public works projects kung saan sangkot umano ang ilang mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?