74

Oct 26, 2021 @ 22:44
By

Corpus P20K ang multa

Pinagmulta ng Philippine Basketball Association Commissioner’s Office si Magnolia player Jackson Corpuz sa hard foul na naging masamang pagbagsak ni TNT forward Troy Rosario sa Game 3 ng kanilang 46th PBA 2021 Philippine Cup Finals sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Iniangat ng PBA technical committee ang tawag mula sa flagrant foul penalty 1 pa-penalty 2 ang foul ni Corpuz kung saan bumangga ito sa nasa ereng si Rosario sa 3:02 minuto ng third quarter noong Linggo.

Base sa patakaran ng liga, nangangahulugan ang FFP2 infraction ng awtomatikong P20,000 multa. Pero dahil finals at hindi naman sobrang bigat ng kasalanan ng Pambansang Manok Hotshots nasa finals na ang all-Pinoy conference, walang suspensiyon sa basketbolista

Pinituhan si Corpuz ng FFP1 para tuluyang napatalsik sa laro matapos mabigyan ng technical foul muna sa kaagahan ng laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?