49

May 7, 2021 @ 17:38
By

Corporal nanlaban todas

Patay ang isang police corporal matapos umanong manlaban sa entrapment operation sa Daraga, Albay ngayong Biyernes, Mayo 7.

Kinilala ni Bicol Police Spokesperson Major Maria Luisa Calubaquib ang nasawing si Corporal Joel Tualla, residente ng Libmanan, Camarines Sur at nakatalaga sa Polangui, Albay.

Ayon sa ulat, nagbebenta si Tualla ng isang .9mm KG9 submachine gun at isang .45-caliber pistol sa undercover agent nang maamoy na kapwa pulis ang kanyang katransaksyon kaya naglabas umano ito ng baril.

Tinamaan ng bala sa likod si Lt. Nestor Callos Jr., pero nagtamo lamang ng pasa dahil sa suot na bulletproof vest.

Gumanti naman ng putok ang mga kasamang pulis ni Callos at napatay on the spot si Tualla.

Kabilang sa narekober ang inisyung 9-mm pistol kay Tualla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?