226

Jan 31, 2020 @ 9:25
By

Coronavirus scare: 7,000 pasahero naka-lockdown sa cruise ship

Na-trap sa loob ng isang carnival cruise ship sa Italy ang may 7,000 pasahero matapos isang sakay nito ang nakitaan ng sintomas ng posibleng coronavirus.

Ayon sa Bloomberg, pag-aari ng Carnival Corp. ang cruise ship na hinarang na makaalis sa isang pantalan sa Italy.

Kasalukuyan umanong nasa isolation sakay ng Costa Smeralda cruise ship na nasa Civitavecchia port ang 54-anyos na babae na mula sa Macau.

Mayroon umanong mataas na lagnat ang babae at respiratory symptoms.

Ito raw ang maituturing na unang kaso ng coronavirus sa isang cruise ship.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?