256

Mar 22, 2020 @ 5:32
By

Coronavirus pinaliwanag sa mga bata, sa iba’t ibang wika

Pinaliwanag ng University of the Philippines College of Allied Medical Professions Community-Based Rehabilitation (UP CAMP CBR) Program kung ano ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kabataan, pero hindi lang sa wikang English o Tagalog.

Sinalin din nila ang kanilang infographic sa Bikol, Kapampangan, Ilonggo/Hiligaynon, Waray, Cebuano, Iluko, Iluko (Pangasinan/La Union), at Minasbate.

Makikita sa kanilang serye ng infographic na pinost sa Facebook, mula Marso 16 hanggang Marso 20, 2020, ang dalawang karakter: si COVID at si “Super Bata.”

Pinasimple ang pagtutukoy kung sino ang bulnerable sa virus at ano ang mga sintomas nito. Nilista rin ang mga paraan kung paano maiiwasan ni Super Bata si COVID, maging ang tamang paraan ng paghuhugas ng kamay.

Hanggang kagabi, Marso 21, nasa 307 na ang nahawa, 13 ang gumaling, at 19 ang pumanaw mula sa COVID-19 sa Pilipinas.

Isa sa mga kumpirmadong kaso ang nasa batang age group o nasa 11 hanggang 20 anyos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?