1,230

Coronavirus mapupuksa ng alcohol – Chinese scientists

Ayon sa ilang Chinese expert, kabilang ang unang scientist na nakadiskubre ng severe acute respiratory syndrome (SARS) coronavirus, kayang patayin ang Wuhan coronavirus sa pamamagitan ng alcohol at matataas na temperatura.

Sa ulat ng World of Buzz, napag-alaman ng grupo nina State Key Laboratory for Diagnosis and Treatment of Infectious Diseases director Li Lanjuan, Zhong Nanshan, at anim pang siyentista na hindi kayang mag-survive ng nasabing virus sa temperaturang mas mataas pa sa 57 degree Celsius at mamamatay ito sa loob lang ng 30 minuto.

Dagdag pa, epektibo ring pamatay sa virus ang mixture ng ether, 75% ethanol, chlorine-containing disinfectant at peroxyacetic acid.

Ngayong Biyernes, Enero 24, kinumpirma na ng mga Chinese authority na 25 na ang namatay habang 830 na ang kumpirmadong kaso sa China ng novel coronavirus (2019-nCoV) na nagmula sa Wuhan, China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?