172

Mar 12, 2020 @ 22:25
By

Coronavirus alert sa PH, tinaas sa ‘Code Red Sub-Level 2’

Mula Code Red Sub-Level 1, inakyat sa Sub-Level 2 ang alerto sa coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Inaprubahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Marso 12 ng gabi sa meeting sa Malacañang.

Pinapatupad ang “Code Red Sub-Level 2” kapag may ebidensiya na ng community transmission at kapag laganap na ang kaso ng sakit.

Marso 7 nang itaas ng Department of Health ang “Code Red Sub-Level 1” matapos iulat ang unang local transmission ng COVID-19 sa bansa.

Nitong Huwebes, pinalawig ang suspensiyon ng klase ng hanggang Abril 12, 2020.

Nagpatupad din ng community quarantine sa Metro Manila.

Simula Marso 15 hanggang Abril 14, 2020 ay suspendido ang land, domestic air at domestic sea travel patungo o mula sa Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?