86

Jun 26, 2018 @ 14:01
By

Coronation night ng Miss Manila 2018, ngayong gabi na!

Rain or shine, tuloy ang grand coronation night ng Miss Manila 2018 pageant na magaganap ngayong gabi sa Reception Hall ng Philippine International Convention Center (PICC), sa ganap na ika-8 ng gabi.

Thirty two beauties will vie for the title at ang mananalo ay mag-uuwi ng 1 million package (half a million in cash at half a million worth of Viva contract).

Ang Miss Manila 2018 pageant ay ihahatid ng City of Manila thru the office of the Mayor, Hon. Joseph “Erap” Estrada at MARE Foundation, Inc. (chaired by Ms. Jackie Ejercito) at sa pakikipagtulungan na rin ng Viva Live.

Ang Kapamilya stars na sina Xian Lim at Yassi Pressman ang magsisilbing hosts ng pageant at special performances naman mula kina Sarah Geronino, Nadine Lustre, Billy Crawford, Ex-Battalion at James Reid.

Ang telecast date ng Miss Manila 2018 ay sa July 1 sa Sunday’s Best ng ABS-CBN pagkatapos ng “Gandang Gabi, Vice.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?