21

Nov 30, 2020 @ 14:10

Coron, Siargao bubuksan na bukas

Tatanggap na ng mga turista ang Coron sa Palawan at Siargao Island simula bukas, Disyembre 1.

Ayon pa sa Department of Tourism (DOT) ngayong Lunes, posibleng buksan ang La Union sa mid-December.

Sa unang abiso publiko ng Turismo ng Coron, sinabing ilan sa required sa mga bisita ay pag-book sa DOT-certified accommodation establishment, pagpapakita ng roundtrip ticket at negatibong RT-PCR test result, at pagpirma sa health declaration form.

Sinabi naman ng DOT na ang mga turista ng Siargao ay kailangan sumalang sa COVID-19 testing at makakuha ng e-Health Pass pagdating sa Surigao o Sayak Airport. Kasama din sa requirement ang 5-araw na booking sa isang hotel o establisimiyento na may Certificate of Authority to Operate o Provisional Certificate of Authority to Operate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?