41

By

Cordillera region binayo ng bagyong Ompong: Mga gulay nalunod ng pagbaha, linya ng kuryente nasira

Sharing is caring!

Maagang binayo ng bagyong Ompong ang Northern Luzon, kabilang na ang Cordillera region, pasado ala-1 ng madaling-araw ng Biyernes, Setyembre 14.

Umaabot sa mahigit 200 pamilya ang maagang inilikas na sa mga evacuation centers sa ilang bahagi ng Cordillera region bilang paghahanda sa bagyong Ompong na may international name na Mangkhut.

Ayon sa Office of the Civil Defense (OCD) sa Cordillera, maagang umaksyon ang mga kawani upang maisalba ang mga maaapektuhang pamilya na nasa Abra, Kalinga at Mountain Province dahil posibleng mag-landfall ang bagyo sa northeast Luzon.

Habang nasa 29 barangay naman sa Pampanga ang lubog na sa baha matapos na umapaw ang Pampanga river na kung saan ay lubos na apektado ang bayan ng San Leonardo, Cabiao, Candaba, Arayat at Apalit.

Kaugnay naman sa mga pananim, nalunod na umano ng pagbaha ang mga pananim na kung saan ay nasira na ang mga ito kaya asahan ang pagtaas ng presyo ng mga gulay na mula sa La Tinidad, Benguet.

Kabilang sa mga gulay na apektado ay baguio beans, patatas, pechay, bell pepper na asahan ang pagtaas ng mga presyo dahil halos nalubog sa baha ang bayan ng Toyong, Puguis at Barangay Betag.

Ayon kay La Trinidad Mayor Romeo Salda, maagap silang nagpa-deploy ng mga residenteng apektado ng bagyong Ompong habang nagpalikas na rin sa Itogon, Benguet matapos maitala ang dalawang landslide at isa naman sa Asipulo, Ifugao.

Habang sa Tuba, Benguet ay isinagawa ang forced evacuation sa Kiangan Village, Barangay Camp 3, Camp 6 sa Barangay Camp 4 at Barangay Twin Peaks sa posibleng landslide.

Samantala, pitong probinsya sa Northern Luzon ang walang kuryente dahil sa pagkasira ng 19 transition lines na kung saan ay lubos na naapektuhan ang mga bayan ng Cagayan, La Trinidad, Benguet, La union, Pangasinan, Aurora at Quezon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?