61

Dec 12, 2017 @ 17:21

Corcoran itutumba si Horn sa 9th round

Ipaparamdam ni British challenger Gary Corcoran ang lupit ng kanyang kamao kay Jeff Horn tulad ng ipinalasap ni Manny Pacquiao noon sa ninth round sa Aussie fighter.

Sasabak ang dalawang boksingero, Miyerkoles ng gabi (Dis. 13) sa Brisbane Convention and Exhibition Center sa Australia.

Unang pagdedepensa ito ng Australiano sa kanyang WBO welterweight title na hinarbat kay Pacquiao noong Hulyo.

Pero posibleng mag-iba ang hilatsa para sa 29-anyos na dating guro, na niratrat ni Pacquiao sa round 9 kung saan muntik nang ihinto ni referee Mark Nelson ang laban.

Pasa-pasa at duguan, nakarekober lang si Horn sa huling tatlong rounds, ngunit naniniwala si Corcoran na ang pagsakote niya ng korona’y tsamba lang at mapipiga ito sa kanilang banatan.

“It takes a lot out of you, fights like that,” ani Corcoran. “You’ll see on the day. I’ve seen the pictures, him lying there with the ice on his head and all that. That ninth round where Jeff was, I’m going to bring him back there.”

Ikinataas ng kilay ni Horn ang komento ni Corcoran at binanggit na ang pag-abot niya ng ninth round sa Pambansang Kamao ay bunsod lang ng katibayan niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?