58
Copy paste ang comment! Mga ‘troll’ raw ni Kris, nahuli ni Falcis
By

Copy paste ang comment! Mga ‘troll’ raw ni Kris, nahuli ni Falcis

Muling bumanat ang dating business manager ni Kris Aquino na si Nicko Falcis kaugnay ng mga kumakalat na comment sa social media.

Sa Instagram story ni Falcis, kanyang ipinakita ang ilang mga Twitter user na tila pare-pareho ang mga ikino-comment bilang patama sa kanya.

Saad sa mga tweet: “Malevolent brothers no show in court. GUILTY!” habang naka-tag ang mga account nina Jesus at Nicko Falcis.

Ang mga tweet ay reply sa isang artikulo ng isang showbiz website na may title na “Kris Aquino qualified-theft complaint vs Nicko Falcis in Makati Prosecutor’s Office dismissed.”

“Please stop using your paid trolls and paid PR firms. It did NOT work. WE REFUSE to be a part of your circus” comment ni Falcis sa nasabing umano’y propaganda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?