55

Nov 17, 2020 @ 16:24
By

Converge pinasakit ulo ng mga netizen

Trending muli ang internet service provider na Converge ICT matapos na ilang lugar ang hindi makasagap ng koneksyon nitong Martes ng hapon.

Sa social media, ilang residente mula Quezon City, San Juan City at iba pang parte ng bansa ang nagrereklamo dahil walang masagap na internet signal.

Kahit ang TV5 radio anchor na si DJ Chacha ay hindi na nakapagpigil at binanatan na ang internet service provider.

Paliwanag naman ng Converge, nagkaroon ng isyu ang kanilang Data Center bandang alas-1:10 ng hapon.

Saad pa ng kompanya na inaayos na ng kanilang technical team ang problema sa internet.

Humingi rin ng paumanhin ang Converge sa kanilang mga subscriber.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?